Thursday, August 11, 2011

Naiinip kaba????

Hay..., Ang hirap naman mag isip,,
 Ang dami dami nating ideya.. pero minsan nahihirapan tayong ihayag ang mga ito...
naguguluhan tayo kung ano uunahin, kadalasan sa sobrang kabisihan lumilipas nalang at nakakalimutan...
walang magawa.. ano dapat gawin???? nabuburo na sa pagkainip

Kapag naiinip,,.... dapat na tayo gumawa ng checklist, and Here is mine..

Top 10 checklist kapag naiinip

1. Mag isip ng magagandang bagay na dapat gawin.
2. Isulat sa papel ang mga naisip.
3. Basahin ng paulit ulit ang isinulat
4. Piliin ang pinaka interesanteng bagay
5. Kung walang mapili at  naiinip parin, mag isip muli
6. Gumawa ulit ng checklist na hindi tapos.. (tulad nito*)
7.
8.
9.
10.

Madalas dumalaw ang idea sa aking isipan marami ako gustong ilahad pero hindi ko magawa.
Sa di malamang dahilan, Kinakalaban ako ng pagkakataon at katamaran....
hay....
Ako: O katamaran layuan mo akooooh ( kumakanta na parang sinasabayan ang saliw nag awiting TUKso)
Katamaran: Bakit??? masaya kanaman diba
Ako: Oo. Este Hindeeee.!!!!!
Katamaran: Paminsan minsan ok lang na kumunsulta ka sakin...
Ako: Hindi pweddeeeee...Ayoko maging tamad..!!!
Katamaran:  Hindi bale nang TAMAD..!! Hindi naman PAGOD...!!!
Ako: Ganun ba may punto ka dun. ah...pero ano naman mapapala ko sayo???
Katamaran: Kapag Tinamad ka sigurado Aantukin ka...
Ako: Ganun???? Ano naman kinalaman ni antok sayo???
Antokk>>> Sumabat
Antok: Ako ang mag bibigay sayo ng pagkakataon na magpahinga .....Naputol ang sinsabi ni Antok ng biglang

Ginigising ako ng konsensya ko,
hindi ko dapat sundin ang dalawang iyon
tama nga naman siya...walang mangyayari sa akin kung susundin ko sila...
KAYLANGAN KO SILANG LABANAN!!!!!!...Sigaw ko na may paninindigan..
pero sa susunod nalang inaantok na kasi ako eh..
tsaka itutuloy ko nalang next time tinatamad na kasi ako na ituloy ang ginagawa ko
eh. hehehe.....

Kung may idea ka wag mo akong gagayahin noh...
Magsikap ka.....ang kaya mo gawin ngayon gawin muna wag mong ipagpabukas..
makakadagdag lang yon sa bigat ng gawain kinabukasan....