Friday, November 26, 2010

Ang Kasunod......

Matapos kong pilitin ang aking tinatamad na sarili na muling ipag patuloy ang naudlot na kwento tungkol sa karanasan sa let... sa wakas sa hinabahaba ng panahon ha halos years in the making napilit kurin na umpisahan na ang kasunod na kwento.


Katulad ng sinabi ko noong una..., Hindi ako joker na tao Oo Idol ko si Bob Ong at gusto ko kung paano siya bumanat sa kanyang mga libro,, kahit hindi siya karatista...(hiyah....tsug tsug arghh.....)Hindi ko gusto na maimpluwensyahan nang husto ang paraan ng aking pagsulat. Although minsan hindi ko maiwasan na subukan siyang gayahin.


Pusang gala!!! Hindi ko kaya> hu hu hu wooh wooh..sana lang swift yung paraan ng aking pagsulat kahit na pinipilit kong, I-set ang sarili ko sa isang paraan na ako lamang ang makakagawa. ang gumawa ng sariling istilo. Naisip ko kasi recently na hindi talaga pweding maging ako yung isang tao na hindi naman talaga ako. kahit na anong pilit ko na gayahin siya.


Any way ayoko naman talagang isingit yung nasa itaas kaya lang katulad ng isang essay na may intoduction, gusto ko na simulan ung blog na may kaunting revealation sa akin sarili.>


Lets go back to the topic.


Part ....Anu nga ulit????


June ..... kelan nga ba? ah basta nasimula ito noong April nung mag paregister ako sa PRC. bakasyon palang eh nag sisikap nako na makapag paregister sa PRC. Sa Angeles City Pampanga pa ako nun nag bakasakali kaya swerte ako kasi sa kasawiang palad wala naraw registration nung April sa Manila na raw sabi ni Manung GArd>> ay PUtik sabi ko sa sarili ko sayang yung effort na Magising ako ng maaga at maligo sa malamig na tubig.(.grrhh....wOhh ang lamig......) ano pangaba ang saysay ng pinaghirapan kundi magamit sa maayos na paraan diba???


Sayang ang lahat ng effort ko na gawing yung mga bagay ha hindi ko ginagawa katulad ng magbuwis ng buhay makapagparegister lang sa PRC.
Gagi kasi yung tricycle hinagip nya yung motor ko habang pauwi mula sa Pulung Bulu... Joke.... pero totoo yon.... kamuntik nakong madisgrasya nun..


Kaya sinabi ko sa sarili ko na ang dami naman ng paghihirap ko last year nung nag take ako dinaanan naman ako ni ONDOY. hay diyos ko pong mahabagin.
Sinawim palad ako last year hindi ako nakapasa. Taz ngaun panibagong paghihirap na naman. 


June......kelan ngaba? ah natandaan kuna nung malapit na matapos ang buwan * kahit na ang totoo eh..wala naman yata itong kahihinatnan ang sinasabi ko, OrientationExamination day noon ng mga bata buti naging proctor ako sa Umaga may chance ako na makapag paregister..


Matagal na panahon din ang hinintay ko upang makadaupang palad ko ang araw na ito. First time kong pumunta sa manila ng mag isa first time din na pumunta sa PRC first time na magparegister at pers tyme na kamuntik na mawalan ng pamasahe pauwi,, Pusang gala wala na yata akong good luck yung dinala kong pera eh... sakto lang na pamasahe at pambayad ng registration fee...( Paano kung naholdap ako?...edi wala akong ibibigay sa holdaper??)


Nasa jeep nako nun,, iniisip ko na ang mangyayari sa Manila ( wala pamandin ako kakilala dun..) buti nalang andyan si Sir L. siya yung ko teacher ko na tumutulong sa akin pag hindi ko na alam yung sasakyan  papunta dun sa PRC.
Galing na kasi siya dun. Nasa Golangco nako nun nung mag abang ako ng bus Ung konduktor sumisigaw Manila! Manila! nang isang katutubong may dalang isang sako ang sumagot "ALI KAMUTI LA!!" joke.... hindi yon ang totoong nangyari. Basta pagdating ko sa Golangco sinamahan lang ako ni Magtanong nilapitan ko ung konduktor at tinanong kung dadaan ba ito ng PRC? hindi ako nagkamali sa aking pinag tanungan. sabi nya sige ituturo ko sayo pag nandun kana..


Nasa Bus.......kakasakay ko palang nun nung makakita akong isang libong piso sa loob ng bus. Hindi ko na kinuha kasi hawak ng kundoktor.. alangan namang kunin ko eh Kubra nya yun. Kumportable akong nkaupo habang nanunuood ng pelikula nina Ann Curtis at ni Sam Milby, eWWan di ko na alam yung pamagat sorry ....


Mayat maya ay tinatanong ko yung Konduktor kung malapit naba?? sagot nya hindi pa..... mamaya ulit Magtatanong na naman ako Malapit naba??? sasagot siya ulit wala pa.. Pag nag tanong kapa ulit susuntukin na kita..



Maya maya pa ay malapit na kami  sa PRC. Biglang tumayo ang konduktor at nang lumapit sa akin,. akala ko eh susuntukin nya ako. sisigaw na sana ako " Wag Pooooooohhhh!!!. ".. pero hindi nya ko sinuntok. sinabihan nya ako na "baba ka nalang dito tapos sakay ka ng tricycle papuntang PRC". Mas yado na akong nagiging nerbiyoso ha....

Nakababa na ako ng bus ng maramdaman kong unti-unting umiinit ang paligid., ang tindi ng sikat ng araw ay nanununog ng balat,.Nasanay ang katawan ko sa aircon ng bus ha. pero talagang ang init tapoz di ko pa alam yung pupuntahan ko., eksakto naman na pag baba ko eh may paradahan ng tryc  sa tabi ng daan.Nilapitan ko si manong driver tinanong ko siya " Magkano po ba hanggang PRC?" at dali dali naman siyang sumagot singkwenta.

Pataay ako neto sabi ko sa sarili ko. dinidenggoy na ata ako nitong matandang ito bulalas ko sa sarili.
"Ang Mahal NamaN!!"
Reklamo ko. Malayo pa kasi ang iikutan natin eh tapos nakapila pa ako sabi nya.
Nag isip ako ng mahabang oras............ hanggang sa abutin ako ng pagkatagal tagal............. halos mainip na si manong.Tinanong nya saking kung sasakay ba ako sa tryc nya o ano. singkwenta sabi ko sa sarili ko lugi ata ako. pero sige ok na rin yung tutal di ko rin naman alam yung papunta siya na bahala. Inisip ko na sindakin si manong. Kumuha ako ng bwelo

Manong! sabi ko.,....Fo po po Forty nalang  maawa na po kayo sakin.... please....Sige napo......istudyante naman po ako eh......"Ok sige!"  sabi nya natapos din ang mahabang diskusyunan na inabot ng sampung sigundo...(hay.....Ang tagal ng oras na yun ha....)

Buti hindi alam ni manong ng hindi talaga ako istudyante kahit na nagpakita ako ng ID.
Pano kaya kung nalaman na Yun???????
Siguro sisingilin nya ako ng mahaaaaalll.......
di na nya ako susuklian, di na nya isasakay, di na nya papaandarin yung motor di na nya....
well any way di na mahalaga yun basta nakasakay na ako ayus na rin yun.

Mabilisang iniharurot ni manong ang kanyang Tricycle>> Byuunnnnnggggg  yunnnng.......... errrtch...... pipip... pipip... broommmmmm....... alang ya,.! sabi ko parang nakipagkakarera kay kamatayan itong si manong... Kamuntik nakong himataying ng salubungin nya yung dyip... habang ng bubusina ....Pipippippppp......!!!!!!!! nagcocounter flow na si manong  pwedi pala dito yun sabi ko.... ay kung di ko lang talaga kaylangan na mag tricycle bababa nako dito.... *( lord guide nyo po ako pls......)

Biglang huminto si manong at sinabi nya na o baba kana... ayan na yung prc lakarin mo nlang.... lintikkksss
huminto siya sa gitna ng daan e kung masagasaan ako???? di pa naman ako marunong tumawid...Joke......

Ang totoo traffic kasi kya di na sya maka diretso kaya nilakad ko nalang ang pagkalayo layong building mga sampung hakbang lang.... mula sa kinatatayuan ko.

Saturday, November 20, 2010

Nasan Naba Ako?

Wala ako intensyon na sumulat o magblog ng kahit na ano. Kaya lang dahil sa pag iinsist ng kaklase ko na basahin ko daw yung blog nya, eh Nainggit tuloy ako,

First part

Nagsimula ito nang mag comment ako sa facebook account nya, ok na sana eh kaya lang nagulat ako nung di nya pinapiwalaan ung comment ko. Heto sinabi nya:(Nov.16 ng umaga at ni check ko sa coolbuster kung may resulta na nga.., as usual.., wala pa din.. so naglaro, nanuod at nag feeeizzboooook lang ako buong araw. Until before 6 pm e may nareceive akong comment mula sa isang kaibigan na hindi ko masyadong pinaniniwalaan ang mga good news niya,, dahilan ko?? Kasi pag nag good news yun.., parang imposibleng mangyari yung balita niya .., mahilig magbiro yun.., not that I’m saying that he’s a liar.) wow ganun pala ako di masyadong kapanipaniwala siguro joker ako sa tingin ng ibang tao. 

Ang mahirap sa sitwasyon ko eh, seryoso akong tao gustuhin ko mang mag patawa hindi ko kaya, ang swerte naman ng mga taong may inborn talent na gumawa o bumigkas ng mga salitang nakakatuwa at nakakatawa....( frustrated na ata aakoh?)

Isa akong simpleng tao nagtatrabaho sa isang school dito sa malapit sa amin kaya ang pagsusulat ko dito ay parang paglabag sa mga panuntunan balarila ng wika. Oo na alam ko na hindi masyado pamiliyar ang balarila. Ito yung grammar rules....( Kunyari alam ko ung balarila). 

Ilang araw pa lamang ang nakakaraan noong mabasa ko ang pangalan ko sa roll of successful examinees in the L.E.T -Secondary- All Regions Held on September 26 2010  Release on November 15 2010. In short Pasok ako!!! Yes!!!!. Gusto ko sana i share ung experience ko sa let although naisulat na ng kaibigan ko ung experience nya nung nag let kami. siguro sa susunod ko nalang ibibigay 

Kasi first part palang naman eh. marami pa akong gagawin (kunyari may gagawin ) palusot ....