Wow Philippines!!!! mapapawow ka talaga. Hindi sa ganda ng pilipinas kundi sa dami ng mga taong nakapila sa labas pa lamang ng gate ng PRC. Ano nang gagawin ko???? di ko alam daig kopa ang isang batang iniligaw sa gitna ng bukid at ipinahabol sa mga mababangis na hayop."Sana lang makapag register nako" sabi ko. Habang may isang boses akong naririnig habang papasok ako sa gate na nag sasabing umatras kana wag kanang tumuloy.......atras atras.... ... inakala ko na konsensya ko lamang ang aking naririnig dahil inuunahan na ako ng kaba. Wala akong alam na gawin. Inisip ko kung susundin ko ang boses na aking naririnig o itutuloy ang nararapat na pag paparegister.. Hoy!@!!! anak ng>>..... Bingi kaba??? ng sigawan ako ni manong Gard.... atrassss........!!!!!! "Hindi moba nababasa ang nakasulat sa gate?" Exit ito bawal pumasok...... nag mukha tuloy akong basang sisiw
Ay naman gutom na yata talaga ako....parang kulang na kulang ang fried chicken na kinain ko kanina bago ako umalis sa skul....ang tindi ng kahihiyang nadama ko non...daig ko pa ang nabasted ng sampppungg>>>........ay wala pala akong.....
lets continue.... pagpasok na pagpasok ko sa loob ng PRC.,. nakita ko yung bultu bultong tao na kanikanina lang ay kasama ko na nasa labas...
"wat isss da pers isteP????"
Nag hanap ako ng taong matatanungan o makakaclose para hindi ako alone....
daig kopa ung palikero na salawahan kung manliligaw. Tanong dito tanung doon. Although may experience nako sa pagpaparegister iba parin talaga dito sa Manila. Para akong "Hari ng Sablay" ( ako ang hari ng sablay .......ako ang hari ng sablay......) background music na tumutugtog sa akin isip. Kung baga sa manok tatapusin ko nalang yung kalaban nung ako ang matusok ng sarili kong tari.....
Ako kaya ang nagtatanong kung ano yung gagawin....kasi nga dko alam kung paano. imbes na ganun yung mangyari eh ako pa yung pinag tanungan at sinagot ku naman yung tanong nila..... sana lang di ako makilala nung nagtanong di ko kasi alam kung tama ung sinagot ko sa kanya.....
Buti nalang at may steps na nakasulat kung ano ang proseso. Dahil last year kopa nakuha ang number code ng school namin hindi na ako nakiusyoso sa mga taong nag hahanap ng mapapangasawa,.. este.....school code pala...
Eto na sabi ko sa sarili ko this is the moment of truth. Nandito nako kaylangan makapagregister ako sa kahit na anong paraan. dali dali kong kinuha yung mga papeles ko, TOR at nagtanong sa kaunaunahang taong makakasalubong ko.

No comments:
Post a Comment