Friday, October 26, 2012

Anong kwento???

Mga Bagay na Dapat Tandaan ng isang taong nag papapayat:

ni Shinoa Co

1. Kapag nagugutom ka kumain ka.

2. Wag kang kakain pag di ka nagugutom.

3. Wag kang kakain ng pagkaing hindi kailangan ng iyong katawan.

4. Wag kang kakaing ng pagkaing sobra sa pangangailangan ng iyong katawan.

5. Ngayon kung ayaw mong maniwala sa sinasabi ko ....Wag kana kaya kumain

wag kana ring mangarap na mabuhay. Nag basa kapa kung di karin naman pala maniniwala....

Itutuloy.........

Thursday, August 11, 2011

Naiinip kaba????

Hay..., Ang hirap naman mag isip,,
 Ang dami dami nating ideya.. pero minsan nahihirapan tayong ihayag ang mga ito...
naguguluhan tayo kung ano uunahin, kadalasan sa sobrang kabisihan lumilipas nalang at nakakalimutan...
walang magawa.. ano dapat gawin???? nabuburo na sa pagkainip

Kapag naiinip,,.... dapat na tayo gumawa ng checklist, and Here is mine..

Top 10 checklist kapag naiinip

1. Mag isip ng magagandang bagay na dapat gawin.
2. Isulat sa papel ang mga naisip.
3. Basahin ng paulit ulit ang isinulat
4. Piliin ang pinaka interesanteng bagay
5. Kung walang mapili at  naiinip parin, mag isip muli
6. Gumawa ulit ng checklist na hindi tapos.. (tulad nito*)
7.
8.
9.
10.

Madalas dumalaw ang idea sa aking isipan marami ako gustong ilahad pero hindi ko magawa.
Sa di malamang dahilan, Kinakalaban ako ng pagkakataon at katamaran....
hay....
Ako: O katamaran layuan mo akooooh ( kumakanta na parang sinasabayan ang saliw nag awiting TUKso)
Katamaran: Bakit??? masaya kanaman diba
Ako: Oo. Este Hindeeee.!!!!!
Katamaran: Paminsan minsan ok lang na kumunsulta ka sakin...
Ako: Hindi pweddeeeee...Ayoko maging tamad..!!!
Katamaran:  Hindi bale nang TAMAD..!! Hindi naman PAGOD...!!!
Ako: Ganun ba may punto ka dun. ah...pero ano naman mapapala ko sayo???
Katamaran: Kapag Tinamad ka sigurado Aantukin ka...
Ako: Ganun???? Ano naman kinalaman ni antok sayo???
Antokk>>> Sumabat
Antok: Ako ang mag bibigay sayo ng pagkakataon na magpahinga .....Naputol ang sinsabi ni Antok ng biglang

Ginigising ako ng konsensya ko,
hindi ko dapat sundin ang dalawang iyon
tama nga naman siya...walang mangyayari sa akin kung susundin ko sila...
KAYLANGAN KO SILANG LABANAN!!!!!!...Sigaw ko na may paninindigan..
pero sa susunod nalang inaantok na kasi ako eh..
tsaka itutuloy ko nalang next time tinatamad na kasi ako na ituloy ang ginagawa ko
eh. hehehe.....

Kung may idea ka wag mo akong gagayahin noh...
Magsikap ka.....ang kaya mo gawin ngayon gawin muna wag mong ipagpabukas..
makakadagdag lang yon sa bigat ng gawain kinabukasan....


Tuesday, April 19, 2011

Why wait? when now is the right time.....

Halos may hang over pa ako  regarding sa nangyari kahapon..May kaunting kasiyahan akong nadarama dahil nagawa ko ng  maayos ang dapat kong gawin kahapon ( ano kaya ang gagawin ko hindi pa ako nakakapag paalam sa principal namen?) nakapag paalam na ako pero hindi sa prinsipal namen kundi sa Head teacher namin. medyo nalulungkot lang ako kasi hindi na ako mag tuturo sa school na yon.

Sinabihan na ako kahapon kung ano ang dapat kong gawin dapat daw ngayon na sabihin yung pag papaalam sa prinsipal. Binigyan na ako ng advice ng Head teacher namin kung ano ang gagawin kahapon. pero sa di malamang dahilan. Taliwas sa inaasahan ang nangyari. I am expecting  na magagalit sakin yung prinsipal namin. Pero hindi.... okeyy.. lang ang naging reaksyon nya. Siguro enexpect na nya na darating din sa ganun yung sitwasyon sinabihan na nya kasi ako na kung magpaparank ako mabuti pang magresign nako.

Sinamahan ko si Mam Head teacher kina mam para gawin yung sinabi nya sakin. Pero.......

itutuloy.........

Monday, April 18, 2011

This is it... heto na...Handa kanaba?

Matapos kong mag handa kahapon ng buong maghapon ng demo..... eto na ung time na hinihintay ko, ang araw na mag dedemo na kami. maaga akong nagising kaninang madaling araw para pumunta sa pulung santol highschool. napuntahan ko na kahapon ng hapon yung school natantsa ko narin kung ilang oras yung makoconsume ko sakaling mag motor lang ako.

Nakarating ako doon ng mas maaga sa inaasahan ko kaya lang may mas nauna na pala sa akin. halos kasunod ko lang pala yung kasama kong nag pasa ng papel sa school malapit sa amen..Babae major in English din sya naku patay...  pareho kami taz kaming dalawa lang yung nagpass sa school na yun.. sana lang matanggap kami pareho.

 Pinabilang  nung principal ung Gen Ave. ng TOR namin Siya din yung  nagbigay ng papel na mag papakita ng mga profile namen Bibilangin ko sana yung equivalent ng transcript of record ko pero wala pala ako transcript  na dala kasi pinasa ko lahat ng papel ko Kay Mam L.... ung principal namen. kinuha pa muna namin ng kasama ko yung papeles namen.. Pero nung bibilangin ko na naman wala  pala ako calculator ang hirap kaya bilangin nun kung manual.

Buti nalang pinahiram ako ng kasama ko ring teacher wow ang bait.First time naming lahat ng nandoon na mag demo kaya alangan sa gagawin.Matapos kong mabilang tinulungan ko yung kasama ko na bilangin din yung sa kanya.Narinig ko na mas prefer ng mga teacher ung Computer literate...sana nag prepare ako na Powerpoint presentation sabi ko, pero hindi naman ako natinag kasi nag handa nako ng gagawin in case na wala available resources.

Dinala ko yung portable DVD player ko kahit na nambibitin yun sa oras dahil mahina na yung baterya
nagamit ko parin yun. Buti nakisama sya sa akin.. hay salamat.

Naunang nag demo yung kasama kong teacher na tiga samin. kase sabi ko mauna kana susunod ako, kaso lang nag dedemo na sya at nag hihintay naman ako na matapos na sya ng bigla ako tawagin nung isang principal sa kabilang room..
O Mr. English major ka diba? halikana pasok sa loob.
Naku! patay kakatayin naba ako?? sabi ko
hindi siguro no choice hindi ko na mahihintay si mam
kasi tinatawag na ako ni san Pedro ...este ni mam Principal

Nakapag demo naman ako using dvd player and manila paper posted on the wall ..kaya lang walang challkkk.. hay naman d ako nag dala. nag alibay nalang ako na white board kuno ang gingamit namen... Buti nakalusot... naging cooperative naman yung mga bata at natuwa naman si mam prinsipal dun sa demo ko

Binigyan niya ako ng grade na 18 over 20 ok narin yun nadeduct lang ako sa liit ng sulat ko sa manila paper di kasi visible dun sa bandang likuran sinabi nya rin sakin yung mga pagkukulang ko. nag alibay ulit ako sana ganun din po gagawin ko kaya lang pipito lang po yung mga bata...naniwala naman sya for the second time nakalusot ulit. very good pa binigay na grade sakin nung mga audience ko.

Di ako makapaniwala dun sa grade ko kasi sanay ako na makita na mababa lang yung grade na binibigay sa akin.. and  then suddenly sabi ni mam observer sakin you proceed to the library...

Eto na this is it kakatayin na nya ako...sabi ko wala nako lusot ngayon...
dali dali kong pinuntahan yung library kahit hindi ako sigurado kung library nga iyon o hindi
Basta dirediretso lang pasok ko. binigay ko yung result ko tapos nag simula na lahat ng interrogation.

Masaya ako dahil nasagot ko lahat ng tanong nya lagi akong may sagot at hindi ako nauubusan ng idea.
hanggang sa matapos na lahat ng tanong nya at mag paalam ako pauwi.Sobrang saya ko sana kaya lang nung pauwi na ako nadisgrasya yung motor ko iniwasan ko yung bato pero nadali parin ako sa bandang hulihan ng gulong at nag slide ako.

Buti nalang mabait sa akin ang DIYOS walang grabing nang yari sa akin....

Next Step..... Division office na Daw... Hala ka..... lagot......

Friday, April 15, 2011

Unprepared....sana ok lang ang lahat..

One Saturday morning habang nanunuod ako ng Doraemon... nagulat ako sa message na nareceive ko, pag tingin ko sa cellphone ko a message from an unknown number. Syempre I am expecting a message from my co -teacher. But it was not,,,

A message from the principal saying ( Gud am  Sir n Mam Interview and Demo on Monday 8 am at Pulung Santol HS Main. U must come Dis is Mam.,.....) Naku lagot sabi ko sa sarili ko pano yan di ako ready.. agad agad ako na nagprepare pero di ko alam gagawin ko sa lunes na un ah,. sabi ko sa sarili ah basta bahala na mang yari na ang mangyari ( pero sa loob loob ko dapat paghandaan ko ito) nag bukas ako ng youtube at tumingin ng pweding gawing reference..

kailangan ko na gawin ang lahat ... masaya sana kung maitutuloy ko ang kwento ko tungkol sa let exam sana sa mga susunod na araw makapag post ako ng tungkol dito.

mamaya pag natapos nako mag prepare i will try to continue telling my experience...

Friday, April 8, 2011

I still exist

Matagal na panahon narin ng buksan ko ang blogsite na ito.Ang tagal ng panahon na naudlot ang pagsulat ko ng isa pang blog. Minsan kasi tinatamad ako magsulat kasi parang wala namang bumabasa. Binubulungan ko nalang ang sarili ko na kung walang magbabasa edi.., "ikaw nalang"

Well I just want to remind my self that I still exist in this world. medjo konti nga lang yung idea ko ngayon sobra kasing dami ng gawain sa school eh., pero babawi ako sa mga susunod na araw itutuloy ko ang naudlot ko na kwento.... so next time nalang

Monday, December 13, 2010

Sa Loob ng.......




Wow Philippines!!!! mapapawow ka talaga. Hindi sa ganda ng pilipinas kundi sa dami ng mga taong nakapila sa labas pa lamang ng gate ng PRC. Ano nang gagawin ko???? di ko alam daig kopa ang isang batang iniligaw sa gitna ng bukid at ipinahabol sa mga mababangis na hayop."Sana lang makapag register nako" sabi ko. Habang may isang boses akong naririnig habang papasok ako sa gate na nag sasabing umatras kana wag kanang tumuloy.......atras atras.... ... inakala ko na konsensya ko lamang ang aking naririnig dahil inuunahan na ako ng kaba. Wala akong alam na gawin. Inisip ko kung susundin ko ang boses na aking naririnig o itutuloy ang nararapat na pag paparegister.. Hoy!@!!! anak ng>>..... Bingi kaba??? ng sigawan ako  ni manong Gard.... atrassss........!!!!!! "Hindi moba nababasa ang nakasulat sa gate?" Exit ito bawal pumasok...... nag mukha tuloy akong basang sisiw 

Ay naman gutom na yata talaga ako....parang kulang na kulang ang fried chicken na kinain ko kanina bago ako umalis sa skul....ang tindi ng kahihiyang nadama ko non...daig ko pa ang nabasted ng sampppungg>>>........ay wala pala akong.....

lets continue....  pagpasok na pagpasok ko sa loob ng PRC.,. nakita ko yung bultu bultong tao na kanikanina lang ay kasama ko na nasa labas...

"wat isss da pers isteP????"

Nag hanap ako ng taong matatanungan o makakaclose para hindi ako alone....
daig kopa ung palikero na salawahan kung manliligaw. Tanong dito tanung doon. Although may experience nako sa pagpaparegister iba parin talaga dito sa Manila. Para akong "Hari ng Sablay" ( ako ang hari ng sablay .......ako ang hari ng sablay......) background music na tumutugtog sa akin isip. Kung baga sa manok tatapusin ko nalang yung kalaban nung ako ang matusok ng sarili kong tari..... 

Ako kaya ang nagtatanong kung ano yung gagawin....kasi nga dko alam kung paano. imbes na ganun yung mangyari eh ako pa yung pinag tanungan at sinagot ku naman yung tanong nila..... sana lang di ako makilala nung nagtanong di ko kasi alam kung tama ung sinagot ko sa kanya.....



Buti nalang at may steps na nakasulat  kung ano ang proseso. Dahil last year kopa nakuha ang number code ng school namin hindi na ako nakiusyoso sa mga taong nag hahanap ng mapapangasawa,.. este.....school code pala...

Eto na sabi ko sa sarili ko this is the moment of truth. Nandito nako kaylangan makapagregister ako sa  kahit na anong paraan. dali dali kong kinuha yung mga papeles ko, TOR  at nagtanong sa kaunaunahang taong makakasalubong ko.